12,000 na mga sitio na walang kuryente sa bansa, posibleng maapektuhan sa natapyas na P9-bilyon sa budget ng NEA para sa rural electrification

Umaapela ang National Electrification Administration (NEA) na ibalik ang tinapyas na P9-bilyon sa pondo nito na laan sa pagkumpleto sa rural electrification.

Ayon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong, nakaprograma na ang naturang salaping gastusin para masuplayan ng kuryente ang 12,000 sitios o katumbas ng 1.7 million households sa buong bansa.

Humihirit ang NEA ng P10.8 billion budget para sa susunod na taon para sa implementasyon ng Sitio Electrification Program (SEP) Phase II, Barangay Line Enhancement Program at Strategized Sitio Electrification sa mga off-grid areas.


Gayunman, P1.8 billion lang ang inirekomenda ng Department of Budget and Management.

Pursigido naman ang Power Bloc representatives sa Kamara na maibalik ang naunang hinihinging budget ng NEA.

Facebook Comments