
Inanunsyo ngayon ng pamunuan Department of Social Welfare and Development o DSWD na makatutulong sa mga graduate ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang mga job fair na tinaguriang “Trabaho para sa 4Ps” sa Metro Manila.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, layunin nilang matulungan ang 12,000 graduates ng programa.
Paliwanag pa ni Gatchalian, para lamang sa mga graduating 4Ps members ang mga trabaho sa mga nasabing job fair.
Kabilang sa one-stop-shop nito ang mga booth ng DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine Statistic Authority (PSA), National Bureau and Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Social Security System (SSS), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa mas madaling proseso.