12,000 trabaho, alok ng DOLE sa Labor Day

Nasa 12,000 job vacancies ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang Labor Day job fair sa Mayo 1.

Ayon pa sa DOLE, kasabay ng pagdiriwang sa Labor Day ay sisimulan na rin ang operasyon ng Overseas Filipino Workers Hospital na matatagpuan sa San Fernando City sa Pampanga.

Sa ilalim nito, libre ang mga serbisyong pangkalusugan para sa employment ng mga OFW kabilang ang medical certificate at laboratory exams.


Ilang serbisyo rin ang iaalok nang libre para sa mga kaanak ng mga OFW pero pinaplantsa pa ang guidelines para rito.

Kamakailan lang nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementing rules and regulations (IRR) ng transition committee ng Department of Migrant Workers (DMW).
December 2021 nang maisabatas ang pagbuo sa DMW.

Layon nito na magbigay ng proteksyon sa mga OFW at gawing madali ang pagproseso sa kanilang mga dokumento.

Tungkulin din ng DMW na dalhin sa mga regional at provincial offices ang mga pangunahing serbisyo para sa mga OFW nang sa gayon ay hindi na nila kakailanganing magtungo sa central office ng POEA at iba pang attached agencies nito sa Metro Manila para maglakad ng mga dokumento.

Facebook Comments