120,000 displaced workers sa pribadong sektor, naitala ng DOLE ngayong taon

Aabot sa higit 120,000 na manggagawa sa pribadong sektor ang nawalan ng trabaho ngayong taon.

Ito ay batay sa Job Displacement Monitoring Report ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa datos, nasa 127,962 ang nawalan ng trabaho sa buong bansa mula sa 5,672 establishments mula Enero hanggang sa kasalukuyan.


Mula sa nasabing bilang ng mga establisyimento, 5,100 ang nagbawas ng manggagawa at 572 ang tuluyang nagsara.

Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng displaced workers na nasa 52,814, kasunod ang CALABARZON na nasa 31,254.

Karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay mula sa administrative at support service, manufacturing sector, accommodation, food service industry, financial and insurance, at sa information and communication.

Facebook Comments