Inaasahan ngayon na aakyat sa 120,000 ang bilang ng pasahero na darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Senior Assistant General Manager Bryan Andersen Co, ngayon daw ay mas asahan ang dagdag na volume ng mga pasahero sa nasabing paliparan ngunit patuloy naman ang kanilang pagbabantay para pa rin sa seguridad at convenience ng mga pasahero.
Dagdag pa niya, may ilang cancelled flights man dahil sa aircraft mechanical issue ay mabilisan naman ang pag-accommodate nila sa mga pasahero at nabibigyan agad ng schedule flights.
Matatandaan noong April 9, Easter Sunday ay nakapagtala ng pinakamataas sa bilang na 65,516 passenges para sa arrival at 52,943 passengers naman sa departure.
Kung ikukumpara ang datos ng bilang ay mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon.
Samantala noong 2022, nagkaroon ng total na passenger influx sa 781, 735 lamang kumpara ngayon 2023 ay umabot na sa 1,051,598 ang dumating sa NAIA simula April 1 hanggang ngayong araw.