120,000 individuals, target bakunahan sa kada araw pagsapit ng Hunyo

Target ng pamahalaan na mabakunahan kada araw ang 120,000 indibidwal sa Metro Manila pagsapit ng Hunyo.

Sa pagdinig ng Committee on Health, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na 120,000 na mga Pilipino kada araw ang target nilang mabakunahan kung may 3.3 million doses ng bakuna ang available sa kada buwan.

Sa presentasyon ni Galvez, sa 2nd quarter ng taon ay 2 million doses ng bakuna ang darating sa katapusan ng Abril, 4 million doses naman sa Mayo at 7 hanggang 8 million naman sa Hunyo.


Ayon pa kay Galvez, sa kasalukuyan ay pang apat sa rank ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 doses na na-administer sa South East Asia pero pang anim naman ang bansa sa doses na naibigay sa kada 100 katao.

Mula sa tala kahapon, umabot na sa 1,353,107 na mga Pilipino ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.

Samantala, kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga malls para gawing mega-vaccination centers sa oras na dumagsa na sa bansa ang maraming doses ng bakuna.

Facebook Comments