120,000 na patay, posibleng maitala sa second wave ng COVID-19 sa United Kingdom

Posibleng umabot sa 120,000 ang bilang ng mga patay sa COVID-19 sa United Kingdom sa second wave ng nasabing sakit.

Ito ang babala ng mga eksperto kaugnay sa posibleng pagkakaroon ng second wave ng nasabing sakit sa Britanya sa susunod na taon.

Batay sa ulat ng Academy of Medical Sciences, posibleng maganap ito sa pagitan ng June at September 2021 kaya’t hinimok nito ang pamahalaan na kumilos na agad para mapigilan ang nasabing ulat.


Sa ngayon ay nasa halos 45,000 na ang patay sa nasabing bansa kung saan ito ang pinakamataas sa Europe habang pangatlo naman ito sa buong mundo.

Facebook Comments