Sa isang makabuluhan at masayang pagtitipon, 121 indibidwal mula sa 108 pamilya ang sabay-sabay na tumanggap ng Sakramento ng Binyag sa taunang Binyagang Bayan ng Lungsod ng Alaminos.
Pinangunahan ang programa ng City Civil Registry Office, katuwang ang Saint Joseph Cathedral Parish, na siyang nagbigay ng espiritwal na gabay at nagdiwang ng sakramento para sa mga bagong miyembro ng simbahan.
Bilang panauhing pandangal, dumalo ang Senior Statistical Specialist ng Pangasinan Statistical Office, na nagpahayag ng suporta sa patuloy na adbokasiya ng lungsod para sa mas inklusibong serbisyo publiko.
Hindi lamang libreng binyag ang handog ng lungsod—mayroon ding libreng reception para sa mga pamilya sa Don Leopoldo Sison Convention Center, kung saan sama-samang ipinagdiwang ang bagong yugto ng buhay ng mga bata at indibidwal na nabinyagan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









