121 COVID-19 patients sa Las Piñas City, naka-recover

16

Karagdagang labing-tatlong (13) mga pasyente na positibo sa COVID-19 sa Las Piñas City ang naka-recover.

Ayon kay Las Piñas City Health Office (LPCHO) Chief Dr. Ferdinand Eusebio, umabot na sa 121 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa nasabing lungsod.


Ito ay mula sa 264 na kabuuang COVID-19 cases sa Las Piñas City.

29 ang bilang ng mga binawian ng buhay sa lungsod dahil sa nasabing sakit.

Tiniyak naman ni Dr. Eusebio na patuloy ang kanilang screening at contact tracing sa mga residenteng posibleng nakasalamuha ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Patuloy din ang isinasagawang expanded targeted testing ng lokal na pamahalaan at nakalatag ang mga protocol upang bantayan ang kalusugan ng mga residente.

Facebook Comments