Kabuuang 122.9 kilos ng basura ang nasisid ng awtoridad sa bahagi ng Hundred Islands National Park sa Alaminos City.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa layunin ng SCUBAsurero na linisin ang mga basurang inaanod sa kalaliman ng baybayin bukod pa sa paglilinis sa mga pasilidad ng national park.
Bukod dito, tuloy-tuloy rin ang pagsasagawa ng Kalinisan Day sa bawat barangay tuwing Sabado at Linggo bilang hakbang sa pangangalaga sa kalikasan.
Samantala, patuloy na nanunumbalik ang sigla ng turismo sa lungsod matapos ang tinamong pinsala sa mga pasilidad, kuryente at cellular service bunsod ng Bagyong Emong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









