122,777 PDLs, nakakumpleto na ng primary series ng COVID-19 vaccines ayon sa BJMP

Abot na sa 122,777 na mula sa kabuuang 131,708 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nasa ilalim ng pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ang nakakumpleto na ng primary series ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay BJMP Spokesperson Col. Xavier Solda, mayroon na ring 104,256 PDLs ang nakatanggap na ng kanilang unang COVID-19 booster shot habang 6,633 naman ang nakatanggap na ng kanilang second booster.

Nauna nang kinumpirma ng BJMP na siyam na Persons Deprived of Liberty ang kasalukuyang sumasailalim sa kanilang monitoring matapos na magpositibo sa COVID-19.


Ang mga naturang PDLs na dinapuan ng COVID-19 ay kasalukuyang nananatili sa isolation facilities at binabantayan ng mga medical personnel.

Facebook Comments