Pumirma ang Pilipinas at ang Estados Unidos ng 123 agreement.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa San Franscisco, California sa sidelines ng APEC Summit.
Ayon sa pangulo, ang 123 agreement na ito ay patungkol sa cooperation concerning peaceful uses of nuclear energy.
Sinabi ng pangulo, nakikita niyang ang nuclear energy ay magiging bahagi ng Philippine Energy mix pagsapit ng taong 2032.
Ito aniya ay isang major step sa harap ng pagtutulungan at pagbubukas ng oportunidad ng US companies para mag-invest ng nuclear power project sa Pilipinas.
Binati at nagpasalamat naman ang pangulo sa United States of Amerika partikular sa kanilang negotiating teams dahil sa naisakatuparan ang 123 agreements.
Facebook Comments