123 na mga barangay sa apat na lungsod sa Metro Manila, mawawalan ng suplay ng tubig

123 na mga barangay ang mawawalan ng tubig sa apat na lungsod sa Metro Manila.

Ito’y dahil sa gagawing pipe relocation at retrofitting ng Manila Water sa Sta. Ana, Maynila

Sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang water interruption mula alas-9:00 ng gabi ng September 3 hanggang alas-6:00 ng umaga ng September 4.


Sa lungsod ng Maynila, 94 na barangay ang mawawalan ng tubig habang pito naman sa Makati City, 16 sa Mandaluyong City at anim sa San juan City.

Dahil dito, pinapayuhan na ang mga residente na mag-imbak ng tubig at sa sandaling bumalik ang suplay ng tubig ay hayaang dumaloy ang tubig upang makapagsagawa ng flushing.

Para malaman kung aling mga barangay ang apektado, bisitahin lamang ang social media account ng Manila Water.

Facebook Comments