123rd Police Service Anniversary, pangungunahan ni PBBM

Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-123 Police Service Anniversary.

Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kampo Krame.

Kasunod nito, naglabas ng abiso ang Philippine National Police (PNP) na lahat ng gates sa kampo ay isasara o ilolockdown ganap na alas-otso ng umaga bago dumating si Pangulong Marcos.


Suspendido rin ang lahat ng transaksyon sa Firearms and Explosives Office maging sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies hanggang matapos ang aktibidad.

Facebook Comments