124 SENIOR CITIZENS SA TAYUG, NAKATANGGAP NG CASH GIFT SA EXPANDED CENTENARIANS ACT

124 senior citizens sa Tayug ang kabilang sa mga nakatanggap ng rollout ng cash gifts noong Abril 10, bilang bahagi ng Expanded Centenarians Act (ECA) o Republic Act No. 11982.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang isang centenarian na tumanggap ng halagang ₱100,000.

Habang ang mga senior citizens naman na may edad 80 pataas ay tumatanggap ng ₱10,000.

Pinangunahan ang aktibidad ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region 1 katuwang ang lokal na pamahalaan ng Tayug.

Ayon sa National Commission of Senior Citizens (NCSC), isa ang bayan ng Tayug sa nagpatupad ng Expanded Centenarians Act sa Pangasinan bilang pagkilala sa mga nakatatandang Pilipino sa kanilang “milestone ages.” | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments