“125-Piso” commemorative coin, inilabas na ng BSP

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang “125-Piso” commemorative coin bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

Batay sa Facebook post ng BSP, tampok sa nasabing barya si Dr. Jose Rizal bilang Global Filipino Hero at kung saan makikita rin ang Rizal Monument at ang BSP logo.

Dagdag pa ng BSP, limitado lamang ang bilang ng commemorative coin na mabibili sa halagang P1,000.


Ang naturang barya ay gawa sa Nordic Gold at may bigat na 15grams.

Maaaring mag-order ng “125-Piso” commemorative coin sa www.bsp.gov.ph, habang kung may karagdagang katanungan ay bisitahin lang ang bspstore@bsp.gov.ph

Facebook Comments