125,000 mga tahanan, nananatiling walang kuryente matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina— Meralco

Kinumpirma ng Meralco na 125,000 pang mga tahanan ang nananatiling walang kuryente.

Karamihan dito ay sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas.

Tiniyak naman ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga na patuloy silang sinisikap na maibalik ang serbisyo sa mga apektadong lugar.


Tiniyak din ng Meralco na prayoridad nila ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan habang tuloy-tuloy ang kanilang pagtatrabaho para maibalik agad ang serbisyo sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments