P126 milyon, naitalang gastos ng Pilipinas para sa political ads sa Facebook

Ibinunyag ng pamunuan ng Meta Platforms Inc. na aabot na sa mahigit P126 million ang nagagastos para sa 70,000 ads sa Pilipinas.

Ayon sa isang META representative, nakapagtala ang Facebook Ad Library ng aabot sa 69, 660 political at electoral ads na nagkakahalaga ng P126.7 million simula ng ipakilala ito sa bansa noong Agosto 2020.

Ang naturang advertising transparency tool ay ginagamit upang makita kung anong ads ang umiikot sa social media sa kasagsagan ng election period at kung magkano ang ginagastos ng mga kandidato at partido.


Ngunit sa ilalim ng Resolution No. 10730 ng Commission on Elections, pinagbabawalan ang mga kandidato na gumamit ng microtargeting.

Dahil dito, nakipagtulungan na ang Meta sa Comelec upang pangunahan ang pagsasanay sa mga kandidato at mga partido sa paggamit ng Ad Library.

Facebook Comments