126TH ANNIVERSARY NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE, IPINAGDIWANG

Cauayan City – Pormal ng binuksan kahapon ika-24 ng Hunyo ang pagsisimula ng ika-isandaan at dalawampu’t-anim na anibersaryo ng kagawaran ng agrikultura.

Ang pormal na pagbubukas ay pinangunahan ni Department of Agriculture Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino.

Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin nito ang responsibilidad ng kagawaran katulad na lamang sa pag-aalaga sa mga bagay na makatutulong sa mga magsasaka katulad na lamang ng mga irigasyon, mga imprastraktura, mga pasilidad para sa mga aning produkto at iba pa.


Samantala, iba’t-ibang aktibidad rin ang nakalatag kaugnay sa selebrasyon ng anibersaryo ng kagawaran kabilang na ang magaganap na mga aktibidad sa Southern Cagayan Research Center sa Minanga Sur, Iguig, Cagayan.

Facebook Comments