127 KASAMBAHAY SA EASTERN PANGASINAN, DUMALO SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG KASAMBAHAY SA URDANETA CITY

Dumalo ang 127 kasambahay mula sa iba’t ibang bayan ng Eastern Pangasinan sa pagdiriwang ng Araw ng Kasambahay na ginanap sa Urdaneta City kahapon, Enero 18.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 bilang bahagi ng taunang paggunita sa Araw ng Kasambahay na layong itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga kasambahay alinsunod sa Kasambahay Law o Republic Act No. 10361.

Sa selebrasyon, isinagawa ang iba’t ibang learning sessions at serbisyong mula sa DOLE at mga katuwang na ahensya.

Nagkaroon din ng Livelihood Hub, Employment and Labor Market Information Hub, at kabuhayan profiling para sa mga kasambahay.

Ayon sa DOLE Eastern Pangasinan Field Office, layon ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga kasambahay hinggil sa kanilang mga karapatan, benepisyo, at mga programang maaari nilang mapakinabangan.

Bukod dito, ibinahagi rin sa programa ang karanasan ng ilang benepisyaryo ng DOLE livelihood program bilang bahagi ng pagbibigay ng impormasyon sa mga oportunidad para sa kabuhayan.

Ang pagdiriwang ay naisakatuparan sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at Public Employment Service Office (PESO) ng mga bayan sa Eastern Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments