Aabot sa 1,272 barangay sa bansa na may high population density ang natukoy ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic.
Mula noong September 2020 hanggang April 2021, nasa 1,272 barangay ang may average na 137 COVID cases kumpara sa average na 19 cases sa 20,889 low population density na mga barangay.
Nasa 15,252 communities ang nananatiling COVID-19 free.
Mula sa mga barangay sa buong bansa, ang Barangay 73 sa Caloocan City ang may highest density na may populasyon na nasa 19,506 sa loob ng isang ektarya.
Ayon kay POPCOM Chief Juan Antonio Perez III, karamihan sa mga residente ay halos walang access sa healthcare facilities.
Bukod dito, kulang din sa medical workers, at hamon din ang geographic limitations.
Mahalaga ring ipatupad ang contact tracing sa mga barangay.