Umabot sa higit 28,000 na manggagawa ang nabigyan ng emergency employment ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Luzon.
Ayon kay DOLE Undersecretary Ana Dione, nasa 28,505 individuals ang natulungan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
Katumbas nito ang 30% ng kabuoang 126,000 target beneficiaries.
Sinabi rin ni Dione, nag-hire din sila ng karagdagang tauhan para tulungan ang kanilang regular workers na mabilis na maipaabot ang tulong.
Patuloy rin ang pagbibigay ng financial assistance sa mga formal sector workers sa pamamagitan ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
Ang TUPAD ay short-term emergency employment program na layong maibsan ang epekto ng kalamidad at epidemya sa mga informal workers.
Ang CAMP naman ay one-time financial assistance na nagsisilbing safety net sa mga manggagawa sa formal sector.