129 na ambulansya mula sa PCSO, i-tinurnover na ni PBBM sa mga LGUs

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial turnover ng 129 na ambulansya ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga lokal na pamahalaan.

Sa turnover ceremony sa Quirino Grandstand sa Maynila, 87 na Local Government Units (LGUs) sa Calabarzon ang binigyan ng ambulansya ni Pangulong Marcos, 25 na ambulansya ang napunta sa Bicol region, walo sa Central Luzon, anim sa Cordillera Administrative Region, at tatlo sa Cagayan Valley.

Bahagi ito ng pagpapalawak ni Pangulong Marcos na mabigyan ng emergency health services ang publiko partikular sa mga liblib na lugar or underserved community.


Ang pamamahagi ng ambulansya o patient transport vehicles (PTVs) ay bahagi rin ng PCSO’s Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) na naglalayong pagandahin at palakasin ang healthcare delivery system sa mga mahihirap na rehiyon.

Nagkakahalaga ang bawat ambulansya ng P2.1 milyon at mayroon ng essential medical tools gaya ng stretcher, oxygen tank, blood pressure monitor, at wheelchair.

Sa kasalukuyan, nasa 356 na ambulansya na ang naipamigay sa administrasyong Marcos.

Nasa P2.2 bilyong pondo ang inaprubahan ni Pangulong Marcos para sa pagbili ng 1,000 ambulansya.

Facebook Comments