129,000 halaga ng shabu, nakumpiska sa isang drug suspek sa Taguig

Arestado ang isang drug suspek sa ikinasang buy bust operation sa Army Road, Central Signal, Taguig City.

Kinilala ang nahuli na si Michael John Miani, 41-anyos, tubong Isabela at residente ng Central Signal, Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District, ikinasa ng mga operatiba ng Taguig City Police ang buy bust operation kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Sa operasyon nakuha sa suspek ang nasa 19.1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P129, 880.

Sa ngayon nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments