12K NA PPCRV VOLUNTEERS NG PANGASINAN, HANDA NA PARA SA HALALAN

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsibility o PPCRV ang kahandaan nito sa halalan.
Ayon kay PPCRV Lingayen-Dagupan Media Officer Marlo Artacho, nasa mahigit 12, 000 ang volunteers nito kung saan 6, 000 ang volunteers mula sa iba’t-ibang Archdiocese.
Sa mismong araw ng eleksyon nakatakdang voter’s assistance desk sa mg voting centers upang tulungan ang mga botante na naghahanap ng kanilang presinto.

Nanawagan din si Artacho na huwag ipagbili ang boto dahil ito ang simula ng korupsyon na nagdudulot ng kahirapan.
Aniya, umaabot sa 5, 000-10,000 ang ibinibigay at tinatanggap sa vote buying.
Samantala, tumatanggap pa ang PPCRV ng mga nais na maging volunteer sa araw ng halalan kailangan lamang na magpunta sa parish ng bawat bayan upang maasistihan ang mga ito.| ifmnews
Facebook Comments