₱1.4 billion sa ilalim ng 2024 national budget, inilaan sa rehabilitasyon ng Manila Bay

Sa kabila ng mga kontrobersya kaugnay sa malawakang projects, ay nilaanan ng Department of Environment and National Resources (DENR) ng ₱1.4 billion ang paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay sa ilalim ng panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Ayon kay Quezon City Representative Marvin Rillo, ang naturang hakbang ay alinsunod sa kautusuan ng Supreme Court sa DENR at ilan pang ahensya, na linisin ang Manila Bay upang maging ligtas itong paliguan.

Ayon kay Rillo, ang nabanggit na salapi ay dagdag sa ₱1.5 billion na nakalaan ngayong taon para sa Operational Plan for the Manila Bay Coastal Management Strategy ng DENR.


Binanggit ni Rillo, na kasama sa popondohan ang relokasyon ng 233,000 informal settler na nagtatapon umano ng maruming tubig sa mga lagusan patungong Manila Bay.

Facebook Comments