13.5-M HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASAMSAM SA ILOCOS REGION

Umabot sa PHP13.5 milyon ang halaga ng iligal na droga na nasabat ng Police Regional Office 1 (PRO1) mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Kabilang sa mga nakumpiska ang nasa 2,000 gramo ng shabu mula sa 34 buy-busts, walong warrant arrests, dalawang search warrants, at siyam na iba pang operasyon.

Tinatayang nasa 53 katao ang naaresto sa mga isinagawang operasyon; 25 sa Pangasinan, 19 sa La Union, lima sa Ilocos Norte, at apat sa Ilocos Sur.

Kabilang sa pinakamalaking operasyon ang isinagawa noong Marso 21–22, kung saan nasabat ang PHP1.17 milyong halaga ng shabu mula sa tatlong high-value targets sa Dagupan at Urdaneta.

Habang Noong Abril 29–30 naman, walo ang naaresto at higit PHP1.2 milyon ang nakumpiskang droga sa Pangasinan at La Union.

Nagbabala naman si PRO1 Regional Director PBGen. Lou Evangelista sa posibleng epekto sa rehiyon ng floating shabu matapos matuklasan ang PHP1.5 bilyong halaga ng iligal na droga sa karagatan ng Zambales.

Aniya, dati na rin may mga natagpuang shabu sa baybayin ng Ilocos kaya’t kinakailangan ang mas mahigpit na pagbabantay sa maritime areas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments