13.5 milyong SAP 2 beneficiaries, natanggap na ang kanilang ayuda – DSWD

Umabot na sa 13.5 milyong benepisaryo ang nakatanggap ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Danilo Pamonag na nasa P81.1 bilyong cash aid na ang naibigay sa 13,544,710 beneficiaries.

Aniya, umabot na sa 95% ang accomplishment ng programa.


Positibo naman ni Pamonag na malapit na nilang makumpleto ang pamamahagi ng cash aid dahil pino-proseso na ang kinakailangang requirements para sa susunod na transfer ng pondo sa mga benepisaryo.

Tiniyak din ni Pamonag na nananatiling committed ang DSWD sa agarang pamamahagi ng emergency subsidy.

Facebook Comments