13.6 million beneficiaries, nakatanggap na ng SAP 2 aid – DSWD

Umabot na sa 13.6 million beneficiaries ang nakatanggap ng emergency cash aid sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Rene Glen Paje, ang SAP 2 beneficiaries ay nakatanggap ng ₱81.3 billion na halaga ng cash subsidy.

Katumbas nito ang nasa 95-porsyento ng kabuoang target na nasa 14 milyong benepisyaryo.


Kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda ay: 1.3 million beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), higit 6 million low-income at non-4Ps recipients, 3.2 million waitlisted beneficiaries, 1.7 million waitlisted beneficiaries mula sa enhanced community quarantine (ECQ) areas; 150,695 Transport Network Vehicle Service (TNVS) at Public Utility Vehicles (PUVs) drivers at 33,336 drivers mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) areas.

Sinisikap ng DSWD na maipaabot ang ayuda sa mga benepisyaryong nakatira sa mga malalayong lugar at walang access sa internet at telco signal.

Ipinauubaya naman ng DSWD sa Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) ang ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mayroong ilang benepisyaryo na ginagamit ang SAP aid sa illegal drug trade.

Facebook Comments