13.6 milyong pisong halaga ng shabu narekober sa buy bust operation sa Indanan, Sulu

Nakumpiska nang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 13.6 na milyong pisong halaga ng shabu sa kanilang ikinasang buy bust operation sa Barangay Buanza, Indanan, Sulu.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, naaresto sa ikinasang operasyon ang umanoy drug dealer na si Yahiya Kadjuri na ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Habang patuloy ang pursuit operation ng mga awtoridad para maaresto ang dalawa pang nakatakas na kasama ni Kadjuri na sina Nurdalyn Sang at Tua Putol.


Umaapela naman si PNP Chief Eleazar, sa publiko na kung may impormasyon tungkol sa dalawa ay ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad.

Kaugnay nito sinabi ni PNP Chief Eleazar na ang operasyon sa Sulu ay nagpapatunay na mahalaga ang coordination at interoperability nang bawat law enforcement agencies sa bansa lalo na sa kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments