Umabot na sa higit 13.98 million low income families ang natanggap ang kanilang second tranche ng cash subsidies sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa 13,980,553 low-income households ang nakatanggap ng higit ₱83.5 billion na halaga ng cash aid mula sa napasong Bayanihan to Heal as One Act.
“Ayon sa datos ngayong ika-labing apat ng Oktubre nasa P83.5 bilyong piso na ang naipamahagi ng DSWD sa pamamagitan ng manual at digital payouts sa mahigit 13.9 milyon (13,980,553) na mga pamilyang benepisyaryo ng SAP (Based on the data, as of October 14, P83.5 billion has been distributed by the DSWD through manual and digital payouts to over 13.9 billion (13,980,553) family-beneficiaries of SAP),” ayon sa DSWD.
Kabilang sa mga nakatanggap ng SAP 2 aid ay nasa 1.3 million beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), higit 6 million low-income at non-4Ps recipients, at 3.3 million “waitlisted,” low income at no-4Ps households sa buong bansa at 1.8 million “waitlisted” beneficiaries mula sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).