13-anyos na babae, pinatay ng lalaking pinagbintangan umanong nagnakaw ng aso

274
(Shutterstock)

Patay na nang matagpuan ang isang dalagita habang palutang-lutang sa isang sapa sa Barangay Panalum, Paquibato District, Davao City.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay noong Lunes ng hapon matapos unang maireport ang biktima na “missing” nang hindi raw ito makauwi noong Linggo.


Sa imbestigasyon, lumalabas na ang huling kasama ng dalagita ay ang 45-anyos na purok chairman ng lugar.

Bukod dito ay natagpuan din sa kanyang tirahan ang sapatos ng dalagita.

Sa salaysay ng Station Commander ng Paquibato Police na si Police Captain Mervin Montecillo, nakumpirmang ang suspek nga ang gumawa ng krimen.

Ito ay dahil daw sa galit nang pagbintangan umano siya ng biktima na nagnakaw ng alagang aso nito.




Samantala, habang hinihintay ang awtopsiya ng bangkay ay nanatili sa kustodiya ng pulisya ang suspek.

Facebook Comments