13 anyos na batang lalaki, Pinaghahanap matapos malunod sa Ilog!

Santa Maria, Isabela – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang isang batang lalaki matapos malunod habang ito ay naliligo sa Cagayan River na sakop ng Brgy. Mozzozzin Sur, Santa Maria, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jomel Calata Gatan, 13 anyos, estudyante, at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, nakatanggap ng tawag ang PNP Santa Maria mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagkawala ni Gatan.


Naliligo lamang umano ang biktima kasama ang kanyang pinsan na si Dale Gatan Masigan nang aksidenteng malunod.

Agad namang nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga kasapi ng PNP Santa Maria katuwang ang BFP, MDRRMC at BPATS para sa mabilisang paghanap sa biktima.

Facebook Comments