13 anyos na dalagita, ginahasa ng isang tricycle driver sa Bacolod City

Bacolod, Philippines – Muling napatunayan ang kasabihang, nasa huli ang pagsisisi.

Ito sa ngayon ang nararamdaman ng isang tricycle driver matapos ipinahuli ng isang 13-anyos na dalagita na kanyang ginahasa sa isang lugar sa Barangay Mandalagan sa Bacolod City.

Nakilala ang suspek na si Ronnie Penalosa, 44 years old, nakakulong ngayon sa police station 3 matapos hinuli ng magsumbong ang biktimang 13 anyos na hinalay siya nito.


Sa prisinto, inamin ni Ronnie na nagdilim ang kanyang paningin kung kaya’t nagawa nito ang krimen ng panggagahasa sa biktima.

Ayon kay Ronnie, sumakay sakanyang traysikol ang biktima at nakita nitong ayaw ng bumababa ng biktima at dito na siya natukso na gawin ang krimen.
Si Penalosa ay may limang anak, samantalang nagtatatrabaho naman sa ibang bansa ang asawa nito.
DZXL558

Facebook Comments