13-anyos na Dalagita, Ginahasa ng Sariling Ama sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos umano nitong gahasain ang kanyang sariling anak na menor de edad kahapon sa Barangay Casat, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas Edward, 59-anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bayombong Police Station sa pangunguna ng kanilang ng hepe na si PMAJ. George Maribbay, agad silang nagtungo sa bahay ng suspek para isilbi ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Cicero B. Jandoc, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 29 para sa tatlong (3) counts ng Panggagahasa.


Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Samantala, sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD), ang biktima ay edad labing-tatlong (13) taong gulang ang mismong dumulog sa himpilan ng pulisya kasama ang kanyang ina para i-report ang makailang ulit na ginawang panggagahasa ng kanyang sariling ama.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments