13-anyos na dalagita, ginahasa umano ng sariling ama

18468
REPRESENTATION PHOTO FROM PEXELS WEBSITE

Arestado ang isang 37-anyos na lalaki matapos umanong halayin ang sariling anak sa Sta. Maria, Bulacan noong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Bernardo Balansay, residente ng Barangay San Rafael, lungsod ng San Jose Del Monte sa parehong lalawigan.


Ayon sa imbestigasyon, imbis raw na magtungo sa junkshop ang mag-ama ay dumiretso ito sa isang madamong lugar sa Sitio Lanawan, Barangay Bulac, sa Sta. Maria kung saan naganap ang panggagahasa.

Nang makaraos daw ay tinakot pa niya ang 13-anyos na biktima na sasaktan ang ina kapag nagsalita.

Subalit nang makauwi sila sa bahay ay agad sinumbong ng dalagita sa kaniyang nanay ang ginawa ng akusado.

Mabilis naman nakahingi ng saklolo ang madre de pamilya sa mga kawani ng Barangay San Rafael dahilan upang madakip kaagad ang salarin.

Nasa kostudiya ngayon ng Sta. Maria Police si Balansay na nahaharap sa kasong rape.




Facebook Comments