Kinumpirma ni Dr. Erwin Erfe, head ng public attorney’s office-forensic team na trese anyos na dalagita ang ika-148 na biktima ng dengvaxia anti-dengue vaccine.
Ayon kay Dr. Erfe, ang nasabing biktima ay namatay dahil sa matinding pagdurugo ng utak at baga.
Aniya, isang dose o isang beses lamang na naturukan ng dengvaxia vaccine ang biktima.
Una nang kinumpirma ni Pao Chief Persida Rueda-Acosta na ilan pang mga biktima ang patuloy na sumasailalim sa autopsy ng PAO forensic team.
Sa November 18, isasampa ng Pao sa Dept of Justice ang ika-limang batch ng Dengvaxia case.
Facebook Comments