Naiulat na nawawala ang isang 13-anyos na batang lalaki na kinilalang si Jupiter Gamboa Garcia, residente ng Brgy. Poblacion, Bani, Pangasinan, noong Oktubre 28, 2025.
Ayon sa ulat, huling nakita ang bata na nakasandal sa harang ng tulay at kalauna’y naglalakad sa tapat ng Bani East Integrated School patungong kanluran.
Bago mawala, sinabi umano niya sa kaniyang mga pinsan na siya ay nababagot sa bahay at umalis nang hindi na nakabalik.
Si Garcia ay may taas na 4’11, katamtamang pangangatawan, at maputi, at huling nakitang suot ang asul na damit at kayumangging pantalon.
Hiniling ng mga awtoridad sa sinumang may impormasyon tungkol sa bata na makipag-ugnayan sa Bani Police Station sa numerong 0998-598-5097 o kay Mrs. Naomi Garcia Parel sa 0966-401-5947 para sa agarang aksyon.









