13 anyos na umano’y pumatay sa 8 anyos na babae sa QC, kinasuhan na

Sinampahan na ng Quezon City Police District (QCPD) ng kasong rape with homicide ang trese anyos na lalaki na suspek sa pagpatay sa otso anyos na babae sa Barangay Santa Lucia, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay QCPD Information Officer PMAJ. Jennifer Gannaban, ang pagsasampa nila ng kaso ay batay sa hawak nilang ebidensya sa medico legal report.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga social welfare officers ang trese anyos na suspek.

Ani Gannaban, sa sandaling umusad ang kaso ay nasa pagpapasiya ng korte kung saan dadalhin ang menor de edad na suspek.

August 2 nang napaulat na nawawala ang otso anyos na babae at patay na nang matagpuan ito kinabukasan sa isang bakanteng lote.

Sa tulong ng mga CCTV footage, natunton ng QCPD ang suspek.

Facebook Comments