13 Bayan sa Isabela ,Nananatili sa ‘Active Status’ ng Local Transmission

15

Cauayan City, Isabela- Nananatili ang 13 na lugar ang ‘Active Status’ ng Local Transmission sa Isabela batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) region 2.

Base sa ulat ng DOH region 2, aktibo pa rin sa local transmission ang mga bayan ng Luna, San Mariano,Tumauini, Naguilian, Reina Mercedes, Ramon, Angadanan, Cabagan,Quirino, Sto. Tomas,San Agustin, San Isidro at Gamu.


Sa Isabela, may pinakamataas pa rin na cases linked ang bayan ng Tumauini na nasa 81 at inaasahan ang containment ng nasabing virus sa March 19 kung hindi na madaragdagan pa ang bilang ng nasabing mga nagpopositibo sa COVID-19.

As of February 18, 2021, nasa 8, 214 ang kabuuang tinamaan ng sakit habang 541 ang nananatiling aktibo.

Hininimok ang publiko na ugaliin ang pagsunod sa health protocol para makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments