13 BAYAN SA LA UNION, UMANGAT NG ISANG PWESTO SA INCOME CLASS NOONG 2025

Opisyal nang inilabas ang 2025 Income Classification ng 20 local government units (LGUs) sa La Union, batay sa pagsusuri ng kanilang average annual regular income sa nakalipas na tatlong taon.

Sa kabuuang tala, 13 munisipalidad o 65% ang kabilang na ngayon sa 1st Class category na kinabibilangan ng Aringay, Caba, tubao, Burgos at iba pa. Tig-dalawang munisipalidad (10% bawat isa) ang nasa 2nd Class, 3rd Class, at 4th Class classifications.

Kapansin-pansin din ang pag-angat ng nag-iisang lungsod sa lalawigan, ang San Fernando, na mula sa 3rd Class ay naging 2nd Income Class Component City, indikasyon ng pagtaas ng kita at mas pinaigting na kakayahang pampinansyal.

Sa 20 LGUs, 13 ang umangat ang income classification, samantalang anim ang nanatili sa kanilang dating kategorya tulad ng Bacnotan, Balaoan, Santol, Luna San Juan at iba pa.

Ang income classification ay nagsisilbing mahalagang batayan sa pagtukoy ng kakayahang pinansyal ng isang LGU, na nakaaapekto sa pagpaplano ng badyet, pagpapatupad ng mga programa, at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments