
Suspendido muna ang biyahe ng ilang bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ayon sa inilabas na abiso ng pamunuan ng terminal, 13 biyahe ang kanselado ngayong araw mula sa mga bus company na CUL, Ceres Transport, OM Transport, Mega Bus, at Roro Bus.
Ang mga ruta ng naturang bus lines ay patungong Palompon, San Jose, Mindoro, Laoang, at Masbate mula sa mga probinsya ng Eastern Samar, Eastern Visayas, Mindoro, at Bicol, partikular sa Masbate.
Inabisuhan din ng pamunuan ng terminal ang mga pasahero na pansamantalang hindi muna babyahe ang mga bus line upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay dulot ng masamang panahon.
Facebook Comments









