13 COVID-19 Patient sa Cauayan City, ‘Fully Recovered’ na sa banta ng virus

51

Cauayan City, Isabela- Nakarekober na ang labing-tatlong (13) COVID-19 patient sa lungsod ng Cauayan makaraang magnegatibo ang resulta ng kanilang swab test.

Ayon sa City Health Office, fully recovered na sila sa sakit at hindi na rin sila nagpapakita ng kahit anong sintomas ng virus.

Natapos na rin ng mga ito ang kanilang pagsasailalim sa mandatory quarantine na bahagi ng kanilang pagpapagaling.

Sa ngayon ay mayroon nalang 16 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod na patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

Facebook Comments