13 COVID-19 Related Deaths, Naitala sa Bayan ng Roxas, Isabela

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa labing tatlo (13) ang naitalang COVID-19 related deaths sa bayan ng Roxas sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng RHU Roxas, umakyat na sa bilang na 13 ang nasawi sa COVID-19 as of April 10, 2021.

Ang mga labi ng nasabing mga nasawi ay nailibing na batay sa DILG Memo Circular 2020- 063 na kinakailangang mailibing ang mga labi ng ating mga COVID-19 confirmed and suspects kaagad agad or within 12 hours ng pagkamatay.


Kaugnay nito, nasa 96 na ang bilang ng aktibong kaso sa bayan ng Roxas matapos madagdagan ng 38 na panibagong kaso na naitala magmula April 13 hanggang 15 ng taong kasalukuyan.

Nakapagtala naman ng pitong (7) recoveries ang naturang bayan magmula April 13- 15, 2021 at nakauwe na sa kani-kanilang pamilya.

Bukod dito, mayroon din mahigit sa isang daan (100) na suspect cases na awaiting ang confirmatory PCR swab results sa kasalukuyan.

Ang Roxas COVID-19 Inter-Agency Task Force ay kasalukuyang isinasagawa ang mga kaukulang hakbang sa contact tracing sa mga naitalang bagong kaso at patuloy na isinasagawa ang disinfection at local containment strategies upang maiwasan ang pagkalat ng kaso sa bayan ng Roxas.

Facebook Comments