13 INDIBIDWAL NA-BINGO NG MGA PULIS

Dinakip ng awtoridad ang labintatlo (13) na indibidwal na nahuling nag nagsusugal matapos ang ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga pulis sa Tuao, Cagayan kahapon, Agosto 11, 2022.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Tuao, nakatangap sila ng ulat na may kasalukuyang nagsusugal sa Brgy. Culung sa naturang bayan na agad namang nilang pinuntahan.

Nahuli sa aktong naglalaro ng Bingo at Tong-its ang labintatlo sa dalawang mesa na dahilan ng pagkaaresto ng mga ito.

Ang mga inaresto ay kinilala na sina alyas Bina, 47 taong gulang; Fina, 56 taong gulang; Rosa, 47 taong gulang; Thel, 28 taong gulang; Rod, 44 taong gulang; Alyn, 53 taong gulang; Sisa, 73 taong gulang;Lita, 69 taong gulang;Gracia, 46 taong gulang, Yhet, 51 taong gulang; Ai Ai, 44 taong gulang; Jovie, 47 taong gulang,; Sally, 53 taong gulang na pawing mga residente ng Culung, Tuao, Cagayan.

Nakumpiska mula sa tatlong naglalaro ng Tong-its ang isang baraha set at 638 pesos sa isang mesa habang ang sampung naglalaro naman ng Bingo ay nakuhanan ng bingo game set at 415 pesos sa ikalawang mesa.

Ang labintatlong nahuli ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal gambling.

Dinala sa tanggapan ng PNP Tuao ang mga naaresto para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments