13 kandidato sa pagkasenador, posibleng tanggalin sa listahan

Manila, Philippines – Nasa 13 senatoriables ang posibleng maalis sa listahan ng Commission on Elections o Comelec para sa halalan sa Mayo a-trese.

Ayon sa Comelec, nakabinbin pa ang certificate for finality nina Alberto Alba, Ernesto Ansula, Hussayin Arpa, Rizalito David, Angelo De Alban, Alexander Encarnacion, Geremy Geroy, William Iliw-Iliw, Josefa Javelona, Norman Marquez, Rolando Merano at Frank Naval.

Nabatid na umabot sa 152 na naghahangad maging senador ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) noong October 14, 2018.


Una nang inilabas ng Comelec na 76 na senatoriables habang 181 partylist organizations ang nakasama sa final list para sa 2019 midterm elections.

Facebook Comments