Iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang 13 kaso ng korapsyon sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kasunod ito ng alegasyon ni Senator Manny Pacquiao kung saan mayroon aniyang korapsyong nangyayari sa mga ahensiyang ito.
Ayon kay PACC Chairperson Greco Belgica, hindi na sila nagulat sa puna dahil sa kaso ng DSWD ay matagal na nila itong iniimbestigahan.
Kabilang dito ang 9,000 reklamong natanggap ng ahensiya na naganap sa kasagsagan ng pamamahagi ng SAP.
Patuloy namang naghihintay ng dokumento ang PACC upang malaman kung may bago sa mga alegasyon ibinabato ni Senator Pacquiao laban sa DOH at DSWD.
Facebook Comments