13 katao, arestado sa pot session sa Makati

Makati City – Sinalakay ng Makati police station drug enforcement unit ang isang bahay sa J. Victor corner Javier Street, sa Barangay Pio Del Pilar sa Makati City na ginagawang batakan ng shabu .

Natimbog ang 13 katao kabilang ang tatlong babae na naabutang nagsasagawa pot session.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ang target na may-ari ng bahay na si Rosendo Cruz.


Ginagamit ang bahay ni Cruz na bentahan ng droga at kung doon na babatakin ang shabu ay 20 pesos lamang presyo nito.

Aakalain na nagsusugal lamang ang mga naabutang sama-samang bumabatak.

Lumilitaw na kapag wala nang pera ay shabu na ang pantaya ng mga parukyano sa drug den.

Nakuha sa pag-iingat ng mga arestado ang 21 sachet ng shabu at mga kagamitan sa pagsinghot ng shabu.

Mga umuupa ang karamihan sa 13 na inaresto ng PNP.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga arestado.

Facebook Comments