13 katao huli ng PP2 dahil sa paglabag sa No Smoking ordinance

Tatlo katao ang naaresto noong araw ng sabado ng mga elemento ng PP2 matapos na mahuli sa aktong naninigarilyo sa pampublikong lugar particular sa Sinsuat avenue ng lungsod. Kinilala ang mga hinuli na sina, Chiong Christian, Stephie, at Muhimen, Silay nahuli na akto ni PS2 Deputy Commander Rene Castor na nagsisigarilyo habang nagsasagawa ng pagpaparolya sa kahabaan ng Sinsuat avenue.Silang tatlo ay dinala sa presinto at kinuha ang kumpletong address na lumabag sa No Smoking ordinace 3866. Dahil first offense pa lamang nila ay silay pinagbabayad ng 500 pesos, na inisyuhan naman ng resibo mula sa Traffic Management Center. Samantala sa area ng PP4 11 katao naman ang nahuling lumabag sa No Smoking ordinance.Nagpapaalala ang City Public Satefy office at City PNP sa mga Cotabatenyo na iwasan ang pagsigarilyo sa pampublikong lugar dahil paiigtingin pa nila ang implementasyon ng nasabing ordinansa.

Facebook Comments