13 katao, nasawi sa pananalasa ng bagyong Ursula

Umabot sa 13 ang iniwang patay ng bagyong Ursula sa Visayas.

Ito ang inisyal na datos mula sa pinagsama-samang impormasyon mula sa mga lokal na pamahalaan.

Sa ulat, tig-isa ang nasawi sa bayan ng Kananga at Abuyog sa Leyte, walo kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki sa Iloilo at Capiz Provinces.


Nasa tatlo naman ang naiulat na namatay sa Guiuan, Eastern Samar.

Aabot naman sa anim na katao ang nawawala sa Iloilo.

Matinding pinsala ang iniwan ng bagyo ang Aklan, Samar, Capiz, Northern Iloilo at Antique kung saan.

Sa ngayon, wala pang opisyal na datos ang NDRRMC hinggil sa bilang ng mga namatay dahil sa bagyo.

Facebook Comments